^

Metro

Karnaper, dedo sa pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Todas ang isang hinihina­lang karnaper matapos ma­baril ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ha­bang sakay ng kanyang ninakaw na motorsiklo sa likuran ng  Manila Post Office sa may Muelle del Rio St., Ermita, Maynila.

Kinilala ang suspek na si John Estrella, 19 ng Hos­picio de San Jose, Ayala Boulevard, Ermita, Maynila na na­ma­tay noon din.

Sa report ni SPO4 Jonathan Bautista ng MPD-homi­cide section, dakong alas-9:30 ng gabi nang magreklamo ang hindi kinilalang biktima sa Brgy. 660 Zone 71 kung saan hinoldap at kinuha umano ng suspek ang kanyang mo­torsiklong Yamaha Mio sa lugar sakop ng barangay.

Kaagad naman itinawag ng barangay sa Lawton PCP ang reklamo ng biktima dahilan para kaagad na magsa­gawa ng dragnet operation.

Nagkataon nakita ang sus­­pek na tumutugma sa des­ripsiyon na ibinigay ng biktima na sakay ng inagaw na motorsiklo at mabilis na tumatakbo papuntang Mac Arthur bridge kaya hinabol ito ng mga pulis hanggang abutan sa Muelle del Rio.

Nang parahin ay agad na bumunot ng .38 kalibreng baril ang suspek at pinaputukan ang direksiyon ng pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga ito na nagsanhi sa kamatayan ng suspect.

Nabawi sa suspek ang  pi­taka at motor ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with