^

Metro

2 pang ‘tulak’ bulagta

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kapwa nasawi ang dalawang pinaniniwalaang ‘tulak’ ng droga makaraang kumasa sa mga awtoridad sa isang checkpoint, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa kanilang katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang isa sa mga suspect na nakilala sa pangalang alyas Jong habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa kasama nitong nasawi rin sa insidente.

Ayon sa hepe ng Parañaque City Police na si Police Sr. Supt. Jemar D. Mode­quillo, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Sitio Nino, Juana de Leo St., Greenhills, Brgy. San Dionisio ng nabanggit na siyudad.

Bago ang engkwentro, na­kita ng mga residente ang da­lawang kahina-hinalang mga suspect, na kapwa nakasuot ng maong pants, sakay ng isang motorsiklo na walang plaka at armado ng baril.

Dahil sa takot, isa sa mga residente ang nagtungo sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 4, Pa­rañaque City Police upang i-report ang kanilang nakita. Kaagad namang umaksiyon ang mga pulis at nagsagawa ng checkpoint sa lugar.

Dito na namataan ng mga pulis ang dalawang lalaki na tumugma sa natanggap nilang report. Sa halip na tumigil sa itinatag na checkpoint ay pinaharurot ng mga suspect ang  kanilang gamit na motorsiklo, dahilan upang habulin ang mga ito ng mga pulis.

Sa kasagsagan ng habulan, pinutukan ng mga suspect ang mga pulis at gumanti na rin ng putok na ikinabu­lagta ng dalawang suspect.

Narekober sa mga ito ang 12 pakete ng mga hinihinalang shabu, pera, timbangan na ma­aring ginagamit ng mga suspect sa pagbebenta ng shabu, isang kalibre 22, pitong basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre at isang kalibre 38 baril. Sa teyorya ng pulisya, posibleng magdedeliber pa lamang ng shabu ang mga suspect sa kanilang parokyano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with