^

Metro

Lider, 2 galamay ng drug syndicate, todas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang itinuturong lider ng isang sindikato ng iligal na droga maging ang dalawa niyang tauhan nang makipagbarilan sa mga sumalakay na pulis sa kanilang kuta, kama­kalawa ng hapon sa Caloocan City.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Richmond Santos, alyas Momon, lider ng ‘Santos Drug Group’; mga kasamahan na sina Louie Dinglasan, alyas Louies at isang alyas Marlon. Nabatid na si Santos ay pang-siyam sa Top 10 Most Wanted Personality sa Eastern Police District at may kinakaharap na kasong murder sa Pasig City Regional Trial Court.

Sa inisyal na ulat, sinalakay ng magka­sa­nib na puwersa ng Caloocan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kuta ng naturang sindikato alas-2 kama­kalawa ng hapon sa may Phase 6 Brgy. 178 Camarin, ng naturang lungsod, bunsod ng sumbong ng mga residente sa talamak na operasyon sa iligal na droga ng naturang grupo.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad ngunit nakahalata umano ang grupo na mga pulis ang katransaksyon kaya pinaputukan ang mga ito. Dito na nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkakapaslang sa tatlong suspek dahil sa mas nakahandang tauhan ng pulisya at PDEA.

Naaresto naman sa ikinasang follow-up operation ang anim pang sinasabing sangkot sa iligal na droga na sina Francis Galicia, Marian Madrona, James Guansing, Euselle Valenzuela, Joseph Alcantara, at Anthony Pancho.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, isang kalibre .45 baril, mga bala, hindi pa madetermina na dami ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at apat na motorsiklo na gamit ng mga suspek sa transaksyon at iba pang iligal na gawain.

Nagpasalamat naman si Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Chito Bersaluna sa mga concerned citizen na nakipagtulungan sa pulisya upang matukoy ang lungga ng naturang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with