^

Metro

2 pang sabit sa droga, binoga: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaking umano’y ‘‘siga-siga’’ at kapwa kabilang sa drug watchlist sa kanilang barangay ang pinaulanan ng bala ng isang grupo ng mga suspek na pumasok sa kanilang kuwarto, sa Brgy. San Miguel, Pasig City kamakalawa.

Kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen  si Ramil Enriquez, 43, habang kritikal at ginagamot naman sa Pasig City General Hospital si Jake Pisarada, 20, kapwa ng Brgy. San Miguel, bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Batay sa ulat dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang krimen habang ang mga biktima ay nasa loob ng kuwarto ni Enriquez. Nagulat na lamang ang dalawa nang biglang pumasok ang mga suspek sa kuwarto kaya’t kaagad na nagtago si Enriquez sa katabing silid habang nagkubli naman sa comfort room si Pisarada, ngunit nakita at pinagbabaril pa rin sila ng mga suspek bago mabilis na tumakas.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang pagpatay sa mga biktima, na natukoy na kapwa kabilang sa drug watchlist sa brgy. at may kategoryang drug pusher at user at umano’y kilalang mga siga sa kanilang lugar.

Hinala rin ng mga pulis na nagpa-pot session ang mga ito nang isagawa ang pagpatay sa kanila matapos na makarekober ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa crime scene at improvised tooter.

Sa kabila naman nito, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso upang makilala at mahuli ang mga taong nasa likod ng krimen at matukoy ang tunay na motibo sa pagpatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with