^

Metro

BUCOR kinuwestiyon ng MKCSI

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaninindigan ng Mang Kiko Catering Service Inc (MKCSI) na wala silang nagawang pagkakamali sa pagpapalit ng menu para lamang tiyakin na ang pagkaing ihahain sa mga inmates ay malinis at ligtas base sa pagrebisa ng ilang nutritionists at dieticians kung saan ay kinuwestiyon naman nila ang hindi makatuwiran umanong pag-blacklist ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanila para sa pagseserbisyo sa loob ng National Bilibid Prisons.

Ipinunto ni MKCSI President Alvin Navarro na nakasaad umano sa kontrata ang ganoong pagpapalit at walang dahilan upang mag-isyu ng blacklist notice ang BuCor at pag-itsa-puwera sa pagkapanalo ng Mang Kiko sa naunang bidding.

Mula umano nang maupo si Benjamin delos Santos bilang BuCor Director General noong Enero, ang MKCSI ay na-single out, na-discriminate at naakusahan pa ng food poisoning matapos silang sumulat ng ilang beses kay President Rodrigo Duterte sa mga diumano’y iregularidad noong Mayo; kung saan ay naghain ng motion for reconsideration ang MKCSI sa BuCor para sa pag-apila.

“We never got a reply, Natatakot kami na ang BuCor management ay humantong sa self administration kung sila na mismo ang magpapatakbo ng feeding services,” pahayag ni Navarro.

Inihayag naman ni MKCSI lawyer Lorna Kapunan na  isang malaking sabwatan umano ang pag-blacklist sa MKCSI na sa loob ng 11 taon ay siyang nananalo sa mga competitive biddings ng BuCor.

“Napag-alaman ng Department of Health na ang na­ging sanhi ng diumano’y food poisoning ay ang tubig. Bakit kailangan i-blacklist ang Mang Kiko sa kabila nang pagkapanalo nito sa bidding? Bakit kailangang magkaroon ng rebidding?” pagkukuwestiyon ni Kapunan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with