^

Metro

2 tauhan ng MMDA na nag-viral, iniimbestigahan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawa nilang tauhan na nag-viral sa social media dahil sa magkahiwalay na sumbong ng netizen sa umano’y pag-abuso nila.

Sinabi ni MMDA Supervising Officer Bong Nebrija na ipatutupad pa rin nila ang “standard operating procedure (SOP)” ukol sa mga tauhan nilang nasasangkot sa mga sumbong ng pag-abuso at kung mapapatunayan saka pa lamang mapapatawan ng kaukulang parusa.

Kabilang sa nag-viral ang post ng isang Ronan Pastrana, isang warehouse officer-in-charge, ukol sa isang traffic enforcer ng MMDA na humuli sa kanya dahil sa “speeding” habang sakay ng motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Hunyo 22.  Nai-rekord sa video ni Pastrana ang paghuli sa kanya ng enforcer na walang name plate sa kanyang vest at walang identification card ang pagtiket sa kanya ng enforcer ngunit inirereklamo niya ang pagputol sa kanyang driver’s license card.

Nakita sa video ang pagtatanong ng motorista sa pangalan ng enforcer at kung bakit pinutol ang license card na hindi nito sinagot. Aminado naman si Pastrana na nagkaroon siya ng paglabag sa batas trapiko at handa namang magpatiket habang meron rin siyang temporary license buhat sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa wala pang maibigay na bagong plastic card license ang ahensya.

Inimbitahan ni Nebrija si Pastrana na magtungo sa kanilang Traffic Adjudication Office para pormal na magsampa ng reklamo laban sa kanilang enforcer.  Pina­kiusapan naman niya ang mga netizen na alamin munang mabuti ang kabuuang mangyari bago husgahan ang kanilang mga tauhan o tawagin ng kung anu-anong pangit na bagay.

 Sa Facebook page naman ni Chairman Danny Lim, nangako ang dating heneral na iimbestigahan rin ang nag-viral na video ukol sa kanilang sinasabing tauhan na nakilala sa pangalang Efipanio Perol. Nai-post sa social media ang kumprontasyon ni Perol at ng netizen na may account name na “Dakila Bagas”. 

Sa salaysay ni Bagas, sakay siya ng motorsiklo nang muntik nang masagi ng puting Toyota Vios na red plate na SJN 695 sa Quezon City. Bukod umano sa pagiging arogante, inire­reklamo niya ang kawalan ng side mirror ng kotseng gamit ni Perol.  Inirereklamo rin niya kung bakit sa kabila nito ay hindi tinikitan ng mga traffic enforcer si Perol dahil umano sa kawalan ng initial violation. Inireklamo naman ni Perol ang kawalan naman ng plaka ng motorsiklo ng naturang motorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with