^

Metro

Taxi driver, hinoldap ng pasahero

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 53-anyos na taxi driver ang hinoldap ng kanyang pasahero, kahapon ng mada­ling araw sa Valenzuela City.

Agad namang nadakip at kasalukuyang nakapiit sa Valenzuela City Police detention cell ang suspect na si Jonathan Amoroso, 36.

Nakilala ang biktima na si Maximo Diaz, driver ng EMP Taxi at nakatira sa Brgy. Concepcion Dos, Marikina City.

Sa pahayag ni Diaz kay Supt. Rey Medina, Valenzuela City deputy chief of police for operation, alas-2:00 ng madaling araw nang parahin at sumakay sa kanya ang suspect sa may Cubao, Quezon City.

Pagsapit nila ng B. Juan St., Brgy. Ugong, Valenzuela City, tinutukan siya ng patalim ng pasahero at nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng suspect ang halagang P820 na kinita nito sa buong maghapon at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Kaagad na ini-report ng biktima ang insidente at sa follow-up operation ng mga pulis, nadakip ang naturang suspect kung saan nabawi dito ang kinuha sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with