6-anyos kritikal sa saksak ng ina
MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagsasaksakin ng basag ng bote ng sariling ina, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa braso at katawan ang biktimang itinago sa pangalang Roger habang nakakulong naman ngayon ang kanyang ina na si Jessamay Versoza, 39, ng Letre St. Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Ayon sa acting chief of police ng Malabon City Police na si Supt. Ferdinand Balgoa, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-ina sa naturang lugar.
Kung saan nakarinig ang mga kapitbahay ng malakas ng iyak ng bata na humihingi ng tulong at nang kanilang puntahan ay nakita nilang duguan ang biktima ay hawak pa ang basag na bote na siyang ginamit nito sa pananaksak.
Kaagad na dinakip ang suspect ng mga tanod at mabilis na isinugod sa naturang ospital ang bata.
Katwiran ng suspect ang sinapian umano ng masamang ispiritu ang bata ang tingin niya umano dito ay isang demonyo na handang pumatay kung kaya’t inunahan na umano niya itong saksakin.
Nakatakdang isailalim ang suspect sa drug test upang malaman kung ito ay gumagamit ng droga kahit itinanggi ito na hindi siya gumagamit nito.
- Latest