^

Metro

Kahera na ginamit ang naiwang credit card ng kostumer, kalaboso

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang kahera nang gamitin nito ang naiwang credit card ng isang kostumer kung saan aabot sa halagang P48,000 ang nakulimbat nito, iniulat kahapon.

Kinilala ng hepe ng Taguig City Police na si  Senior Supt. Alex Santos ang nadakip na suspect na si Merilyn Joy Sanggalang, 22, dalaga, cashier sa isang hardware at naninirahan sa Brgy. Pembo, Makati City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:00 ng hapon nang madakip si Sanggalang sa loob ng pinapasukan nitong hardware, sa Taguig City

Batay sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Wilma, huli niyang ginamit ang kanyang credit card noong Hunyo 15 para bumili ng ilaw sa isang hardware sa loob ng naturang mall.

Ngunit hindi niya alam na naiwan nito ang kanyang credit card kay Sanggalang at Hunyo 19 nang mapansin ni Wilma na nawawala na ito.

Dahil dito, dumulog na siya sa banko  at sa pulisya upang ipabatid na nawawala ang kanyang credit card.

Ngunit bago pa man mapa-block ni Wilma ang nasa­bing credit card, nagamit na ito ng suspect, na nakapamili na ito ng kanyang mga gamit  sa iba’t- ibang mall maging sa lalawigan ng Pangasinan ay nagamit din nito

Inamin naman ni Sanggalang na ginamit niya ang nasabing card, subalit hindi lamang aniya siya ang gumamit maging ang kanyang kaibigan na security guard na si Jimmy Junio, ay gumamit din nito na pinabulaanan naman ng huli.

Dahil dito nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998 o Republic Act 8484 ang nadakip na suspect habang ito ay nakakulong sa detention cell ng Taguig City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with