^

Metro

NCRPO full alert na sa Eid’l Fitr

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todo alerto ang buong puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang seguridad sa selebrasyon ng  Eid’l Fitr o ang pagwawakas ng “Holy Month’ ng Ramadan ng mga Muslim bukas ( June 26).

Ayon kay  NCRPO  Chief P/Director Oscar Albayalde, sa ilalim ng full alert status ay  paiigtingin ang police visibility at mobile patrol operations sa lahat ng mga lugar kung saan maraming mga taong nagtitipon partikular na ang mga Muslim na daragsa sa  mga mosque.

Samantalang bukod dito ay magkakaroon din ng deployment ng AFP Joint Task Force –National Capital Region bilang augmentation forces sa ilang mga piling lugar sa Metro Manila gaya ng Quezon City at lungsod ng Maynila.

Ayon kay Albayalde , ang mga Muslim communities sa NCR ay nakaalerto din para matiyak ang seguridad sa lahat ng Eid’l Fitr events partikular na sa Golden Mosque area sa Quiapo, Maynila.

Nabatid pa na kabilang rin sa sentro ng selebrasyon ng kapistahan ng mga Muslim bilang tanda ng pagwawakas ng pag-aayuno ng mga ito ay ang Luneta Park.

Sa kabuuan, 2,000 pulis ang ipakakalat ng NCRPO para tiyakin ang seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa selebrasyon.

Inihayag naman ni Albayalde na bagaman wala silang namomonitor na banta ng terrorismo sa pagtatapos ng Ramadan ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras  upang bigyang proteksyon ang publiko.

“We have not received any information as of this time na puwedeng guluhin yung Ramadan, as far as threats are concerned ala pong chaos to mark the end of it during the culmination (event)”, pahayag ni Albayalde.

Nilinaw naman ni Albayalde na buong PNP ay naka-full alert status na hindi nagbaba matapos ang ilang mga kaguluhan sa Mindanao kabilang at panghuli  dito ang Marawi siege na nag-umpisa pa noong Mayo 23 kung saan ay patuloy pa rin ang opensiba ng tropa ng militar laban sa Maute terror group .

Sa katunayan, ayon pa sa NCRPO Chief ay patuloy ang kanilang monitoring laban sa Maute kaugnay ng posibleng pagtatangka ng mga ito na pumasok sa Metro Manila. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with