Kelot nakaladkad ng tren, dedo
MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na mangangalakal ng basura ang nama-tay nang makaladkad ng tren habang nagsusunog ng basura sa riles sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Ricardo Laroco, Jr., residente ng Claudio St., Pandacan.
Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa riles ng Philippine National Railways (PNR) southbound sa may Claudio St., di kalayuan sa bahay ng biktima.
Ayon kay SPO1 Jun-jun Jasminez, may hawak ng kaso, nahagip at nakaladkad ng tren ang biktima at tumilapon ito dahilan para bumagsak at mabagok ang ulo.
Nabatid na sangkot sa aksidente ang PNR train na may body number MSC 1937 na nanggaling sa Tutuban patungong Alabang.
Hindi naman umano huminto ang tren na tuluy-tuloy lang sa pag-arangkada na posibleng hindi napansin ng operator o makinista na may nakaladkad siyang tao.
- Latest