^

Metro

3 patay sa drug operations

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo na namang hinihi-na­lang mga ‘‘tulak’’ ng iligal na droga ang pawang nasawi nang makipagbarilan umano sa mga pulis sa magkakahiwalay na anti-drug operation ng Caloocan City Police mula kamakalawa ng hapon hanggang madaling araw kahapon.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Ranillo Diaz, alyas Tata, 29,; Jimmy Predas Orata, alyas Jimmy Taba, 42, driver, at isang alyas Lauro, ng Brgy. 176 Bagong Silang.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-12:03 ng hatinggabi nang magkasa ng buy bust operation ang mga ope­ratiba ng DEU ng PCP 1 sa may Brgy. 86 at target na madakip ang suspek na si Orata. Matapos na maisakatuparan ang pagbili ng shabu, kumilos na ang mga nakatagong operatiba upang arestuhin ang suspek  na nakahalata at agad na pinaputukan ang mga awtoridad. Dito na gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang ni Orata.

Dakong ala-1 naman ng madaling araw kahapon nang salakayin ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Police Community Precinct 3 ang isang bahay sa Robis, Phase 4 Package 5 Brgy. 176 Bagong Silang, makaraang makatanggap na may  nagaganap na pot session.

Nang makarating sa lugar, isang lalaki kaagad ang nagpaputok sa mga pulis. Gumanti ang mga awtoridad ng putok na nagresulta sa pagkakapaslang sa naturang lalaki na nakilala sa alyas Lauro. Nakatakas naman ang lima niyang kasamahan.

Alas-4 kamakalawa ng hapon nang mapaslang naman ng mga tauhan ng DEU ng PCP5 si Diaz sa isa pang buy bust operation.  Nanlaban rin umano ang suspek kaya binaril at napatay ng mga pulis.  Nakuha sa suspek ang isang kalbire .45 baril, tatlong napaputok na cartridge, at apat na plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with