^

Metro

Konsehal, bodyguard sugatan sa ambush

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang isang konsehal na minsan nang dinakip dahil sa kasong murder at ang body guard nito  makaraang tamba-ngan ng dalawang hindi pa kilalang mga salarin, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan  buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril at ginagamot ngayon sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Pasay City Councilor Borby Rivera, 39, pangulo ng Asosasyon ng mga Barangay Captain (ABC), ng Protacio St., Brgy. 112 ng naturang siyudad.

Nilalapatan din ng lunas sa nabanggit na ospital ang bodyguard nitong si Alex Do-min­guez, na nagtamo rin ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Police Senior Supt. Dionisio Bartolome, naganap ang insidente alas-4:00 kahapon ng madaling araw sa harapan ng Titans Z Club sa kahabaan ng Macapagal Boulevard ng naturang lungsod.

Nabatid na ang mga biktima at ang mga kasama nitong sina Jomer Ruiz at Cyril De Gracia Arce ay lulan ng isang kulay puting Land Cruiser kung saan pagdating sa nabanggit na lugar ay doon na pala sila inaabangan ng mga suspect na armado ng mga baril, na naka-face mask at dito na sila pinaulanan ng bala.

Nagawa pa umanong gumanti ng putok ang mga kasama ng biktima na sina Ruiz at Arce pero mabilis na tumakas ang mga suspect, na ang isa dito ay sumakay  ng isang motorsiklong walang plaka. 

Dali-daling isinugod ng kanilang mga kasama si Rivera at ang body guard nitong si Dominguez sa naturang ospital.

Matatandaan, na si Rivera ay dinakip nang pinagsanib na pwersa ng District Special Operations at District Anti-Car Theft Units ng Southern Police District (SPD) sa pamumuno ni Police Supt. Lorenzo Trajano noong Abril 16, 2015 sa Magallanes Interchange, Makati City sa isang checkpoint sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court, Branch 59 Judge Winlove Dumayas  dahil sa kasong  murder, habang sakay ito ng isang  kulay na  gray Ford Mustang GT.

Nang arestuhin ito ng mga pulis nakumpiska dito ang iba’t ibang kalibre ng baril at mga bala.

Sa rekord ng pulisya, kinasuhan ng murder si Rivera matapos umanong masangkot ito sa insidente nang pamamaril noong Enero  24, 2015 sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City na ikinasawi ng isang katao at nasa siyam naman ang suga­tan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with