^

Metro

7 pang dawit sa droga, bulagta

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
7 pang dawit sa droga, bulagta

Patay ang pito katao na hinihinalang sangkot sa droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa magkakahiwalay na drug operations kahapon sa Caloocan City at sa Navotas. File

Sa Caloocan at Navotas

MANILA, Philippines -  Patay ang pito katao na hinihinalang sangkot sa  droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa magkakahiwalay na drug operations kahapon sa Caloocan City    at sa Navotas.

Sa Caloocan City, lima ang iniulat na bumulagta.

Ayon sa hepe ng Caloocan City Police na si Police Senior Supt. Chito Bersaluna, alas-4:15 kahapon ng ma­daling araw nang makipagbarilan ang umano’y ‘‘tulak’’  na si Frederick Cleopas, 30,  ng Rubyville Bukid, Brgy. 160 sa mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP) 7 malapit sa kanyang bahay.

Nabatid na kakalabas lamang ng suspect sa kulu-ngan noong Pebrero  dahil sa  pagbebenta ng droga.

Sa Brgy. 176, Bagong Si­­lang, nagsasagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng PCP-3 Drug Enforcement Unit (DEU) sa pangunguna ni Insp. Alex Hermogeno sa kahabaan ng Grema Phase 1, Package 2 Blck 27, Lot 5 dakong 10:30 ng gabi nang maaktuhan  ng mga ito sina Michael Mali-sua, 47 at Rodel Alcaraz, 43, na nagbebenta ng droga.

Nang mapansin ng mga suspect ang mga pulis ay nag­labas ito ng baril at pina­pu­tukan ang mga operatiba na napilitan namang gumanti ng putok, na nagresulta ng kamatayan ng mga ito at na­re­kober sa kanila ang dalawang kalibre .38 revolver at drug paraphernalia.

Nauna rito,  alas-9:30 naman ng gabi nang makipagbarilan si Julius Soriano, 24,  ng 97 Libis Talisay Dulo gamit ang kalibre .38 revolver sa mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (NPD) sa  isang buy-bust operation sa kahabaan ng Tambakan Street, Brgy. 12  ng naturang lungsod na naging dahilan ng kamatayan nito.

Sa Brgy. 175 Camarin, patay din si Rodolfo de Guzman, Jr. 37 ng Sitio Matarik Upper matapos umanong makipagbarilan din sa mga tauhan ng SIB na nagkasa ng buy-bust operation kontra sa suspek dakong 4 ng hapon.

Narekober  sa suspek ang kalibre .45 pistola, 16 plastic sachet ng hindi pa mabatid na halaga ng shabu at isang kitchen knife.

Samantala sa Navotas dalawa ring hinihinalang drug pusher ang natodas matapos makipagbarilin sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation habang nakatakas naman ang tatlong kasab-wat, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng hepe ng Na-votas City Police na si Police Senior Supt. Allen Ocden ang mga nasawi na sina Christopher Roque, 40, ng 38 M. Ablola Street, Brgy., Tangos at isang  alyas Tony Pilay habang nakatakas naman si Dominic Panganiban, alyas Pipoy at dalawa pang hindi kilalang kasamahan ng mga ito.

Nabatid kay Ocden, alas-11:30 ng gabi nang magsa­gawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SIB laban sa mga suspect sa kahabaan ng M. Ablola Street.

Nang inabot na ng pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang P200 bait money kay alyas Tony Pilay kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad itong nagbigay ng signal sa kanyang mga kasamahan subalit, natunugan naman ito ng mga suspect.

Naglabas ng baril ang dalawa sa mga suspect at pinaputukan ang papalapit na mga operatiba kung saan tinamaan si P02 Pacino sa dibdib subalit, nailigtas ito ng suot niyang bulletproof vest habang gumanti naman ng mga putok ang mga kasamahan nito          na nagresulta ng kamatayan  ni alyas Tony Pilay at Roque.

Narekober ng pulisya kay Tony Pilay ang isang kalibre .38 revolver at apat na plastic sachet ng shabu habang nakuha naman kay Roque ang sumpak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with