^

Metro

Traffic enforcer binangga ng sinitang motorist

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang traffic enforcer matapos banggain at kaladkarin ng isang motorista na kanyang sinita dahil sa paglabag sa batas trapiko, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Donald Catamora,  local traffic personnel ng Brgy. San Lorenzo Village ng nasabing lungsod.

Samantala, ang suspect ay nakilalang si Jayson Tamares.

Sa salaysay ng biktima sa Makati City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi sa Brgy. San Lorenzo Village ng naturang siyudad.

Sinita ng biktima ang suspect dahil sa traffic­ violation nito (illegal parking), subalit nagalit ito sa enforcer at tumanggi itong ibigay ang kanyang lisensiya.

Dito, na pinaandar  ng suspect ang  kanyang Toyota Vios, sinalpok nito ang enforcer hanggang sa makalakad pa ng ilang metro ang layo.

Pagkaraan ay dinala ang biktima sa isang pagamutan dahil sa mga pasa at galos sa katawan, samantalang ang suspect ay dinala naman sa himpilan ng Makati City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with