^

Metro

Sunog sa Pasay: 4 sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagyang nasugatan ang apat na residente matapos masunog ang tinatayang nasa 30 kabahayan habang nasa 50 pa­milya naman ang nawalan nang matitirahan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Isa sa apat na biktima na nagtamo ng 2nd degree burn sa mga braso ay nakilalang si Helen Cahapay, na kaagad na dinala  sa ospital.

Ayon kay Supt. Carlos Duenas, Fire Marshall ng ng Bureau of Fire Protection (BFP), Pasay City, alas-8:14 kahapon ng umaga nang magsimulang sumiklab ang apoy sa apartment na pag-aari ni Brgy. Kagawad April Abinar sa panulukan ng Cu­yegkeng at Layug St., Maytubig Compound, Brgy. 1 ng natu­rang lungsod.

Lumalabas, isang Christine Cimafranca ang nagluluto sa loob ng bahay nito gamit ang isang gas stove, subalit napaba­yaan nito ang niluluto hanggang sa sumabog na pinagmulan ng apoy.

Kaagad na kumalat ang apoy kung saan tinatayang humigit kumulang sa 30 kabahayan ang natupok, dahilan upang mawalan ng matitirhan ang nasa 50 pamilya.

Dahil sa insidente ang apat na mga biktima ay na-trap sa kani-kanilang bahay, subalit kaagad namang nailigtas ang mga ito.

Alas-9:15 ng umaga ay kontrolado na ang sitwasyon at ala-1:15 ng hapon ay ganap nang naapula ang apoy.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with