^

Metro

48 tren, na binili ng Aquino government., hindi gagamitin – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Sec Arthur Tugade na hindi gagamitin ang 48 bagong tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) na binili ng Aquino administration hanggat walang katiyakan ang safety ng riding public.

Ayon kay Tugade, hanggang ngayon ay walang inilalabas na safety certificate sa 48-bagon na binili ng nakalipas na administration sa Dalian Locomotive and Rolling­ Stock Co., sa bansang China na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon.

Sinabi ni Tugade na mas okey sa kanya na magtiis na muna sa pila ang riding public sa kakahintay ng magsasakay na tren sa MRT-3 kaysa ipagamit ang mga bagong tren pero kalaunan ay magkakaroon naman ng sakuna.

“I will not roll them out until I am sure that the riding public will be safe, secure and convenient and that the equipment is reliable. It is better for me to be cursed by the people while they’re standing than to be cried upon by the families of those who got caught in a train accident,” ani Tugade.

Una dito ay lumutang ang balitang hindi compatible ang biniling 48 Light Rail Vehi­cles (LRVs) sa transport system ng MRT-3 kung kaya’t hindi pa magamit ang mga ito.

Umaani ngayon ng bati­kos sa publiko ang nakalipas na administration kung bakit binili ang mga nasabing bagon na hindi naman pala compatible sa transport system ng MRT-3.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa, mula sa North Avenue, Quezon City patungo ng Taft Aveneu, Pasay City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with