^

Metro

Mag-utol na ‘tulak’, utas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa bumulagta ang magka­patid na lalaki makaraang ma­kipagbarilan umano sa mga umaarestong pulis sa isang anti-drug operations sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Larry Guache, 47; at kuya niyang si Eddie, 50, kapwa­ naninirahan sa Meyland Sub­division, Brgy. Lawang Bato, ng naturang lungsod. Ares­tado naman ang live-in partner ni Larry na si Jessica Casimiro, 29.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-4:43 ng hapon nang magkasa ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng operasyon upang madakip ang magkapatid na Guache na positibo sa pagtutulak ng iligal na droga sa dati nilang bahay. 

Ayon kay SPO4 Armando Delima, nang uminit ang magkapatid sa alagad ng batas ay nagpalipat-lipat sila ng bahay. Tumira sila sa may Mey­­cauayan, Bulacan; sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta at bu­malik sa Brgy. Lawang Bato para magtulak ng iligal na droga.

Isang pulis ang umaktong buyer ng droga at naisakatuparan ang pagbili ng shabu sa magkapatid. Nang aares­tuhin na ang dalawa, dito na umano nagbunot ng baril ang magkapatid at pinaputukan ang mga pulis. Dito na gumanti ng putok ang mga pulis kung saan nasapol ang mag-utol.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .38 baril na may limang bala at isang napa­pu­tok na cartridge, isang ka­libre .22 baril na may anim na bala at apat na cartridge. Nakum­piska naman sa poses­yon ni Casimiro ang marked mo­ney na P300 at hindi pa madeter­mina na dami ng iligal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with