^

Metro

2 pa biktima ng salvage

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang lalaking pina­niniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang kapwa may tama ng bala ng baril sa ulo at katawan sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jayson Descartin, 29, binata, pedicab driver, at naninirahan sa Kaunlaran St., Brgy. San Roque; at si Vergilio Dela Cruz, binata, residente ng S. Roldan Street, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-10 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Descartin sa kahabaan ng Rajah Calantiyaw Street, Brgy. Daanghari. 

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang biktimang si Descartin na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo. Dalawang cartridge at deformed na slug ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang natagpuan sa lugar ng krimen.

 Dakong alas-12:30 ng madaling araw naman nang matagpuan ng mga residente ng F. Abiola Street, Brgy. Ta-ngos, ang duguang si Dela Cruz.  Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis at inabutan na wala nang buhay si Dela Cruz dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Apat na cartridge buhat sa calibre .45 baril at tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha sa lugar ng krimen. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang dalawang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with