^

Metro

Retired Marine, todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi na naisalba ng mga doktor sa Medical Center Manila, ang isang retiradong opisyal ng Philippine Marines (PM) matapos tambangan ng dalawang rider habang ang una ay sakay ng kanyang Sports Utility Vehicle (SUV), kahapon ng hapon sa Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila.

 Sa inisyal na ulat mula sa Manila Police DistrictPolice Station 5, ang biktimang si Jujie Lim Umandac, 60, dating Ret. Master Sgt. ng Philippine Marines, ng Baseco Compound, Port Area, Maynila ay nasawi dahil sa apat na tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan at sa kanang dibdib.

Naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon habang sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero, nang sabayan ng dalawang suspek na kapwa nakasa­kay ng motorsiklo at saka pinagbabaril na ang una.

Ilang supporters ng biktima ang nakita sa lugar at nagpahayag na nakatakda umano itong tumakbo bilang Brgy. chairman sa nabanggit na lugar sa darating na barangay election.

Ang biktima ay may anak na pulis-Maynila na nakata­laga sa MPD-PS 11 at  ang isa naman ay nasa Philippine Military Academy (PMA).

Patuloy na iniimbesti-gahan ang insidente at ang posibleng motibo sa krimen maging ang mga sangkot dito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with