PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Drug suspek nakaligtas sa nakamaskarang killer

MANILA, Philippines - Tila may kakambal na buwenas ang isang itinutu­rong drug suspek makaraang makaligtas sa tinamong mga tama ng bala buhat sa pamamaril ng grupo ng lala-king nakamaskara sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, Linggo ng hapon.

Inoobserbahan ngayon sa Pagamutang Bayan ng Mala­bon makaraang makaligtas sa operasyon ang biktimang si Romnick Fernando, 30, at naninirahan sa  Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, nasa loob ng kanilang bahay sina Fernando at kanyang live-in partner dakong alas-5:30 ng hapon nang biglang puwersahang pumasok ang dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet at face masks saka pinagbabaril ang biktima.

Nasaksihan naman ni Jose Philip Villalon ang pagtakas ng mga salarin sakay ng isang motorsiklo. Agad na naisugod sa nabanggit na pagamutan si Fernando at isinailalim sa operasyon dahil sa tama ng bala sa baba at sa magkabilang hita.

Nabatid na isa sa mga drug personality sa bara-ngay ang biktima at kabilang sa sumuko sa kanilang barangay sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’.  Hindi naman mabatid kung nagpatuloy sa kanyang iligal na operasyon ang biktima na biniberepika ngayon ng pulisya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: