PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Parañaque City, nanguna sa ‘top performing cities’

MANILA, Philippines - Sanhi ng mahigpit na kampanya kontra katiwalian, nasa ikalawang taon nang pinarangalan ng Civil Service Commission (CSC) ang pamahalaang lungsod ng Parañaque na nanguna sa  “top-performing cities” sa Metro Manila.

Kung saan pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang pagpapatupad ng Anti-Red Tape Act of 2007 (ARTA) para sa kanilang kampanya kontra corruption, base ito sa survey ng CSC-NCR noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ayon kay Judith Dongallo-Chicano, CSC Director IV, na ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ay nakatanggap ng overall score na 92.70 percent.

Nakakuha rin ang naturang lungsod ng 100 porsiyento sa pagpapatupad ng ‘no lunch break’ provision at ang mga empleyado ay nagtatrabaho walong oras mula Lunes hanggang Biernes.

Pumangalawa sa survey ang lungsod ng Pasig na nagkamit ng 91.00 na puntos at pumangatlo ang Muntinlupa ng may 90.99 samantalang naging pang-apat ang San Juan na may 90.79.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: