PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MRT-3, tatlong beses tumirik!

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na ang unang aberya ng isang bagon ay naganap dakong alas-6:25 ng umaga sa GMA Kamuning Northbound station. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Maagang naperwisyo ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT-3) makaraang tatlong beses itong tumirik, kahapon ng umaga.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na ang unang aberya ng isang bagon ay naganap dakong alas-6:25 ng umaga sa GMA Kamuning Northbound station.

Pinababa ang mga pasahero habang hinatak  pabalik ng MRT-3 depo ang nagka-aberyang tren bago naibalik sa normal ang operasyon.

Makalipas ang halos isang oras, muling nagkaro­on ng problema ang biyahe ng isa pang tren dakong alas-7:12 ng umaga sa Guada-   lupe Northbound station.

Ang ikatlong aberya ay naganap dakong alas-10:18 ng umaga sa Kamuning Northbound station. 

Pawang technical problem ang sinasabing dahilan ng magkakasunod na aberya na ikinainis ng mga apektadong pasahero.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa Nort Aveneu, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: