PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Shootout: Tandem utas

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Las Piñas City Police na si Police Senior Supt. Marion Balolong, naganap ang insidente alas-3:30 ng madaling araw sa kahabaan ng C5 Road Extension, Brgy. Manuyo 2 ng naturang siyudad. File

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang riding in tandem criminals makaraang makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspect, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril  na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Las Piñas City Police na si Police Senior Supt. Marion Balolong, naganap ang insidente alas-3:30 ng madaling araw sa kahabaan ng C5 Road Extension, Brgy. Manuyo 2 ng naturang siyudad.

Nabatid na nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng ‘Oplan Sita’ sa mga motoristang dumaraan sa naturang lugar na hindi pinansin ng dalawang suspect na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka na kanilang pinaharurot.

Dahil dito hinabol sila  ng mga pulis na humantong sa barilan.

Sa palitan ng putok, nagresulta ito ng agarang kamatayan ng mga suspect kung saan narekber sa kanila ang isang kalibre .38 baril at isang supot na naglalaman ng hinihinalang shabu. Patuloy na iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: