PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 pedestrians patay sa hit and run

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang  pedestrians matapos na ma -hit and run at makaladkad pa ang mga ito ng isang umano’y van habang tumata­wid sa Parañaque City,  kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Renato Pamintuan, ng Baclaran Traffic, kapwa agad na naisugod sa San Juan de Dios Hospital ang dalawang biktima na ina­alam pa ang pangalan, suba­lit  parehong hindi na umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Nagsasagawa pa follow-up na imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente dahil hindi naplakahan ng isang testigo ang van na nakasagasa sa mga biktima maliban sa naiwan lamang ang bumper  ng van sa area ng pinangyarihan ng insi-dente.

Sa report na natanggap ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente pasado alas-3:30 ng madaling araw sa Northbound lane ng Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran ng naturang siyudad.

Tumawid ang mga bikti-ma sa naturang lugar at hin­­di nila namalayan ang pa­parating na humahagibis na van at dito nasagasaan at nakaladkad pa sila ng ilang metro ang layo.

Mabilis na tumakas ang hindi pa kilalang driver ng van at ang mga biktima naman ay dinala ng rescue team sa naturang ospital, subalit hindi na umabot pang buhay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

May nakitang ID sa isa sa mga biktima, ngunit inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ang may-ari.

Nagdulot naman nang mabigat na daloy na trapiko  ang naturang aksidente.

Tinitingnan na rin ng mga awtoridad kung nakuhanan ng  CCTVcamera ang insi­dente para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspect.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: