PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader niratrat sa QC

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Reynaldo Baa, may-asawa ng no. 27 Sarmiento St., ng nasabing barangay matapos na tambangan ng riding-in- tandem dakong alas-10:15 ng gabi. File

MANILA, Philippines - Walang nagawa ang isang 35 anyos na negos-yante makaraang pagbaba-rilin ng isa sa riding in tandem na suspek habang ang una ay bumibili sa isang tindahan sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Reynaldo Baa, may-asawa ng no. 27 Sarmiento St., ng nasabing barangay matapos na tambangan ng riding-in- tandem dakong alas-10:15 ng gabi.

Sa pahayag ng testigo kay PO3 Alvin Quisumbing, imbestigador sa kaso, nasa harap ng AJRK Sari-Sari Store, sa Samonte St., kanto ng Don Sergio Extension, Brgy. Holy Spirit, QC, si Baa at bumibili nang biglang hintuan ng motorsiklo, lapitan at saka pagbabarilin ng backrider.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang get away vehicle.

Nakuha ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang tatlong piraso ng basyo at dalawang pumutok na bala ng kalibre .45 baril sa lugar.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: