^

Metro

Mekaniko butas ang ulo sa pamamaril ng armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang bungo ng isang mekani­ko makaraang lusubin ng isang armadong lalaki at pagbabarilin sa ulo habang ang huli ay nanood ng basketball game sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Commonwealth Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit  (QCPD-CIDU) ang bik­tima ay nakilalang si Hyg­leen Lobitaña, 21, ng  Steve St., Brgy. Commonwealth, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, isang lalaki na may taas na 5’6-5’7, nasa pagitan ng edad na 40-45, nakasuot ng kulay itim na sando at pulang bullcap at armado ng baril ang pinaghahanap ngayon ng kanilang tropa makaraang mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa pagsisiyasat ni Hernandez, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Steve St., partikular sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Commonwealth, dakong alas-8 ng gabi.

Lumalabas na nang naturang oras, ang biktima at kanyang kinakasamang si Angielyn Navarro at kaibigang si Margie Ventorina ay nakaupo sa harap ng kanilang bahay at nanono-od ng laro sa basketball sa kanilang telebisyon nang dumating ang suspek na may dalang baril.

Mula dito, bigla na lang pinagbabaril ng suspek ang biktima sa ulo na agad na ikinamatay ng huli. Agad ding tumakas ang salarin na naglakad lamang palayo na parang walang nangyari matapos ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, ne­rekober ang apat na pira­so ng basyo ng bala, dalawang tingga at isang metallic jacket.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with