^

Metro

Presyo ng petrolyo, muling umarangkada

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw na ito ng Martes (Mayo 30).

Ang oil price hike ay  pinangunahan ng Flying V at Eas-tern Petroleum, na tumaas ng  P0.55 kada litro ng gasolina, P0.75 kada litro sa diesel at P0.85 kada litro ng kerosene epektibo ngayong alas-12:01 ng madaling araw.

Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, PTT at Seaoil na nagpatupad ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga, epektibo  naman ng  alas-6:00 ng umaga.

Asahang maglalabas din ng kanilang anunsiyo sa oil price hike ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigan pamilihan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.65 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro ng diesel at P0.70 kada litro ng kerosene.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with