^

Metro

Inspeksyon sa mga pampasaherong sasakyan sa Mindanao, inutos ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakilos ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (PTFRB) ang lahat ng regional directors sa Mindanao na inspeksiyunan ang lahat ng mga pampasaherong sasakyan at ang mga dokumento ng mga for-hire – vehicles sa rehiyon.

Ito ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB ay upang matiyak na ligtas at hindi magagamit ang naturang mga sasakyan ng mga teroristang grupo sa Mindanao para sa kanilang operasyon.

Ani Lizada, dapat din anyang tanungin ng mga tauhan ang mga driver kung saan pupunta at kung saan galing.

Anya, lockdown na ang buong Lanao del Sur at limitado ang biyahe ng lahat ng mga sasakyan sa rehiyon base na rin sa utos ng security forces sa Mindanao kaya’t kinakailangan ang pag-iingat ng bawat isa.

Inutos din ng Central office ng LTFRB sa kanilang regional officials sa Min-da­­nao na palagiang maki-pag-coordinate sa kanila para on-time ay makagawa ng kaukulang aksyon kung kina­kailangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with