^

Metro

Maayos na pagsisimula ng klase sa Hunyo, tiniyak sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Maayos na pagsisimula ng klase sa Hunyo, tiniyak sa Quezon City

Tiniyak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang maayos na pagsisimula ng pasukan ng mga mag-aaral sa Hunyo 5. File

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang maayos na pagsisimula ng pasukan ng mga mag-aaral sa Hunyo 5.

Ito ay makaraang atasan ni Bautista ang QC police, barangay officials at mga pangunahing tanggapan sa lungsod na gawing ligtas at payapa ang school opening.

Hiniling naman ni Bautista kay QC Police Chief Guillermo Eleazar ang dagdag na puwer­sa ng pulisya upang magsagawa ng pagpapatrulya sa mga lansangan para matiyak ang kaayusan at seguridad ng mga mag-aaral na papasok sa mga paaralan.

Kaugnay nito, sinabi ni Department of Public Order and Safety (DPOS) Chief Elmo San Diego na magpapakalat siya ng mga traffic enforcer sa mga lugar na malapit sa mga eskwelahan upang alalayan ang mga bata sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa pagsisimula ng pasukan.

Iniulat din ni Bautista na may sapat na silid aralan ang QC para ma-accommodate ang mga mag-aaral na papasok sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lunsod.

May dagdag na 20 school buildings o 322 karagdagang silid-aralan ang matatapos nang itayo para sa full implementation ng K12 program .

Noong school year 2016-2017 ay may kabuuang 357,348 mag-aaral sa public schools sa QC na ang 116,985 nito ay naka-enrol sa District II.

Ayon kay Dr. Ligaya Regis, chief ng School Governance at Operation Division of City Schools Division na may naihanda rin silang seminar at workshop para sa mga guro para sa pagtataas ng kalidad ng edukasyon sa QC.

May 96 na public elementary schools at 46 secondary schools ang QC sa ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with