^

Metro

2 pang ret. general, naupo sa MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang retiradong heneral ang umupong opis­yal sa Metro Manila Development Authority.

Bukod kay retired Gen. Danilo Lim, na bagong talagang chairman ng MMDA, dalawa ding dating hene­ral ang itinalaga nito na na­kilalang si Roberto Almadin bilang OIC assistant gene­ral manager for MMDA operations at retired gene­ral Joe Campo bilang OIC naman ng office of the assistant general manager for planning.

Pinangalanan din ni Lim  ang mga bagong opisyal na  sina Jose Arturo Danilo Jr., bilang OIC for planning and concurrent chief of the staff;  Atty. Romano Artes OIC for finance and administration; Atty. Vic Pablo Trinidad,  OIC for legal affairs, at Atty. Michael Salalima bilang  depu-ty chief of staff.

“Ang mga taong ito ay may mga rekord na ma­ga­gan­da. Hindi matatawa­ran ang kanilang serbisyo pound-for-pound they can compete with all the others at saka kilala ko itong mga ito,” ito ang ipinahayag  ni Lim nang dumalo ito kahapon sa flag ceremony ng mga kawani ng MMDA.

Nabatid na ang nabang-git na mga retired generals ay malaki ang maitutulong sa ahensya.

Ipinahayag pa nito na magiging “back to basic” ang ipatutupad sa MMDA.

Ibig sabihin uunahin munang ipatupad ang mahigpit na disiplina sa bawat isa at uumpisahan ito sa kanilang mga kawani.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with