^

Metro

Muslim sector sa Quiapo protektado ng mga residente vs Maute Group

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng mga residenteng Muslim sa Quiapo area na hindi nila papayagang mapasok ang kanilang lugar ng Maute group na iniugnay sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) para hindi sila mada­may habang nagpapatuloy ang isinasagawang opensiba ng  pwersa ng gobyerno laban sa nasabing grupo.

Sinabi ni Saanoden Hadji Rashed Naga Punut, dating barangay kagawad at treasurer ng barangay sa Quiapo, na nagmomonitor din sila sa mga taong nagtutungo   sa kanilang lugar upang hin-di sila mapasok o mahaluan ng Maute members.

Mapayapa aniya, ang seleberasyon nila ng Ramadan sa Islamic Center at patuloy ang panalangin na iligtas sa nagaganap na labanan sa Marawi ang kanilang mga kapatid na muslim at kaanak.

Nagtitiwala din aniya, sila sa pangako ng Manila Police District (MPD) na sapat ang itinalagang seguridad sa kanilang lugar ngayong panahon ng Ramadan.

Gayunman, hindi pa rin umano maiaalis sa kanila ang pangamba na basta na lamang magbitbit o umaresto ng tao mula sa Islamic area, gayunman, sakali mang mangyari, dapat ay ang mga nakukuhang intelligence report ng mga awtoridad ay dumaan muna sa validation para makatiyak na hindi malalabag ang karapatan   ng sinuman sa kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with