^

Metro

70 pamilya nasunugan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 70 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang nasa 30 kabahayan sa  Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Fire  Insp. Jay Efren Ba-awa ng  Manila Fire Bureau (MFB), dakong ala 1:30 ng madaling araw nang  magsimulang sumiklab  ang sunog sa residential  building sa Gagalangin, Tondo na mabilis kumalat dahil karamihan ay pawang yari sa  light materials.

Natukoy na mula sa isang silid sa ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ng isang Pablo del Rosario, 60, sa no. 2241 Leyte St., panulukan ng Laguna St., Tondo nagsimula ang apoy.

Posibleng nagkaroon ng problema ang kuryente sa lugar dahil bago ang sunog ay nawalan muna ng ilaw na maaring short-circuit ang dahilan.

Alas 3:15 ng madaling araw  nang ideklarang fire under control at ilang minuto lang ay naapula na rin ang sunog na umakyat sa ikalawang alarma.

Naisalba ng firewall ng isang compound ang kalapit na gasoline station na may nakaparada pang dalawang gasoline tankers,.

Nahirapan din ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa masikip ang mga daan na kinailangan pang umakyat sa mga bubong ng kalapit na establisimyento.

Natutulog halos ang mga residente na nabigla sa insidente kaya wala silang naisalbang mga gamit sa bahay.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa P150,000. halaga ng ari-arian ang natupok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with