^

Metro

Parak pinatay ang misis, anak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Parak pinatay ang misis, anak

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang pulis ang kanyang mag-ina sa loob mismo ng kanilang  tahanan sa Quezon City  kahapon. File

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang pulis ang kanyang mag-ina sa loob mismo ng kanilang  tahanan sa Quezon City  kahapon.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mga biktima ay nakilalang sina Mary Jane Sabiniano, nasa hustong gulang; at anak na si Aljon Dave, 13, kapwa residente ng Unit 5 Purok 4, Uwak St., Brgy. Commonwealth QC.

Arestado naman ang  suspek at pulis na si PO2 Roal Sabiniano y Pagulayan, 38, may-asawa nakata­laga sa Philippine National Police (PNP)-RPSB Charlie Company ng National Capital Regional Office (NCRPO).

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay dakong ala-1:15 ng hapon.

Sinasabing nasa loob ng bahay ang naturang pamilya nang makarinig ang kapitbahay ng komosyon hanggang sa sumunod ang mga putok ng baril.

Mula sa loob ay nakitang lumabas ang suspek na parang wala sa kanyang sarili, hanggang sa nagpunta- han na ang mga kapitbahay ay nakita ang bangkay ng kanyang magi-ina.

Agad ding isinuko ang suspek ng kanyang kaanak sa himpilan ng barangay na siya namang nagturn-over sa CIDU para sa kaukulang pagsisiyasat.

Inaalam din kung ano ang motibo ng pulis para patayin ang kanyang mag-ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with