^

Metro

7 ‘Ninja cops’ sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7 �Ninja cops� sumuko

Ang lima sa pitong tinaguriang ‘Ninja cops’ na naunang sumuko kamakalawa ng gabi sa Camp Crame. Sumunod pa ang dalawa nilang mga kasamahan kahapon naman ng madaling araw. ( Kuha ni Miguel de Guzman)
 

May patong  sa ulo na tig-p2m

MANILA, Philippines -  Ilang araw matapos na magpalabas ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ‘dead or alive’ at patungan sa ulo ang mga ito na tig-P2 milyon, sumuko na  sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame   ang pitong tinaguriang ‘Ninja cops’   na sangkot sa kidnapping extortion sa isang negosyanteng babae.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration P/Deputy Director General Ramon Apolinario, unang sumuko bandang alas-7 ng gabi nitong Biyernes sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon Jr., PO2 Michael Huerto, PO1 Jovito Roque at PO1 Ricky Lamsen; pawang miyembro ng Malabon City Police Drug Enforcement Unit .

‘Ninja cops’ ang  bansag ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa mga pulis na nagre-recycle ng mga nasasamsam na droga na ibinebenta sa kanilang mga parukyano sa illegal drug trade.

Nabatid na ang mga nagsisukong ‘Ninja cops’ ay nagsipagtago sa Palawan matapos na lumutang ang pangalan hinggil sa mga balita kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na aktibidades.

 Inihayag pa ni Apolinario na ang ama ng isa sa mga   pulis ang nakipagkoordinasyon sa PNP para sa kanilang pagsuko.

Nitong Sabado ng umaga, sumunod namang iprinisinta ni Apolinario sa mediamen ang dalawa pang pulis na sina SPO2 Gerry dela Torre at PO3 Bernardino Pacoma.

“On administrative aspect, the PNP through the Directorate for Personnel and Records Management  have already placed these surrenderees  under restrictive custody  of the Regional Director , National Capital Region Police Office  (P/Director Oscar Albayalde “, anang opisyal matapos namang isailalim sa medical examination ang mga nasakoteng scalawags na parak.

Magugunita na nitong Lunes , apat sa kanilang mga kasamahan na sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo at PO1 Frances Camua ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) . Ang mga ito ay nahaharap sa kasong robbery-extortion, kidnapping, carnapping at paglabag sa Section 29  o ang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 Ang mga tiwaling parak ay inakusahan ng negosyanteng  si Norma Adrales na ang boyfriend ay isang inmate na nakaditine sa National Bilibid Prison (NBP) sa Alabang, Muntinlupa  na dinukot umano ng nasabing mga pulis  noong Mayo 20 sa Quezon City at hiningan ng P5 milyon kapalit ng kaniyang kalayaan. Samantalang bukod dito ay hinihingan rin ng mga pulis ng karagdagang P2 milyon ang boyfriend na inmate ng biktima at isang kilo ng shabu.

Samantalang nang mabatid ang insidente ay nag-alok ng  tig-P2-M reward si Pangulong Duterte para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto buhay man o patay ng pitong Ninja cops.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with