^

Metro

Dagdag pwersa, inilatag ng PNP

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Dagdag pwersa, inilatag ng PNP

Nanalangin ang mga kapatid na Muslim sa golden mosque sa Quiapo kaugnay ng pagdiriwang ngayon ng Ramadan. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines - Dahil umpisa na ang pagdiriwang ng Ramadan, nagdagdag ng pwersa ang National Capital Regional Police Office (NCRPO)  sa lahat ng Muslim community sa Metro Manila.

Ito ay bilang bahagi aniya ng security contingency na pinatutupad ng hanay ng pulisya.

Nabatid, na hindi lamang sa mga matataong lugar tulad ng mga shopping malls at terminals, nagdagdag din ng pwersa ng kapulisan sa Muslim community.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, ang hakbangin ay bunsod sa pagdiriwang ng Ramadan upang sigurihin ang seguridad at kaligtasan ng mga  lalahok dito.

Upang tiyakin din na huwag malusutan ng posibleng  banta ng terorismo, na samantalahin ang naturang pagdiriwang ng mga grupong nais maghasik ng karahasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with