^

Metro

Mag-live in ‘tulak’, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-live in partner makaraang maku­hanan ng iligal na droga nang sitahin sa paglabag sa batas trapiko habang sakay ng dala nilang SUV sa Brgy.Tandang Sora, sa lungsod, iniulat kahapon. 

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ng Talipapa Police Station (PS-3), ang mga suspek ay nakilalang sina Michael Gerald Quebral, 22, at kinakasamang si Rachel So, 21, ng Brgy. Tandang Sora, QC.

Ayon kay Eleazar, ang mga suspek ay inaresto matapos na makuhanan ng mga iligal na droga tulad ng apat na piraso ng plastic sachet ng shabu, isang sachet na may bakas ng marijuana, isang sachet na may lamang dalawang tableta ng ecstasy, at airsoft handgun.

Nangyari ang pag-aresto sa may kahabaan ng Mars St., ng naturang barangay, dakong alas-7:45 ng gabi.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga ope­ratiba ng PS-3 mula sa mga opisyales ng barangay na pinamumunuan ni Supt. Danilo Mendoza, hingil sa iligal na drug activities ng mga suspek na kabilang sa drug watch list ng PS3 at kilalang drug pushers sa nasabing barangay.

Sinasabing sakay ang mga suspek ng isang Mitsubishi Mirage na walang plaka na may dalang mga iligal na droga habang pauwi sa kanilang bahay. Dahil dito, agad na nagsagawa ng checkpoint ang tropa ng PS3 sa lugar kung saan naispatan nila ang naturang sasakyan.

Nang parahin ang sasakyan na minamaneho ni Quebral at sitahin ay walang maipakitang lisensya at dokumento ang mga suspek hanggang sa tinangka pa ng mga itong tumakas na nauwi sa habulan subalit agad din silang nakorner at naaresto.

Sabi ni Eleazar, bukod sa inisyal na paglabag sa trapiko, sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Resistance and Disobedience to Agents of Authority sa ilalim ng Art. 151 ng Revised Penal Code, ang mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with