^

Metro

4 na lady bomber sa Metro, itinanggi ng NCRPO

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng pamunuan ng National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) ang kumakalat sa social media (Facebook)  hinggil sa apat na kababaihang mula sa Basilan na planong magpasabog sa ilang shopping malls sa Metro Manila.

Kasabay nito, ang pana­wagan sa publiko partikular sa mga netizen na maging responsable sa paggamit ng social media.

Ayon kay NCRPO direc­tor Oscar Albayalde ang kumakalat sa social media (Facebook) na wala naman silang natatanggap na anumang banta ng terorismo sa Metro Manila. Wala umanong dapat na ipagpanik ang publiko, dahil nanatiling normal ang sitwasyon sa Metro Manila bagamat epektibo pa rin ang heightened security dito.

Dapat umanong maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga ‘‘bogus’’ na balita ang publiko.

Gayunpaman, tiniyak ng NCRPO ang kaligtasan ng publiko dahil higit nilang paiigtingin ang seguridad tulad nang pagtatatag ng mga checkpoint sa mga lansangan ng Metro Manila.

Muling giniit  ng NCRPO, na ang naganap na magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila ay walang kaugnayan sa terorismo. 

Gayunman, mas higit na pi­naigting ng NCRPO ang kanilang pwersa kung saan nagdagdag sila ng bilang ng mga kapulisan sa mga matataong lugar tulad ng sa mga shopping malls at mga terminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with