^

Metro

P5-B shabu nasabat ng BoC sa Valenzuela

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang Bureau of Customs matapos na masabat ang mahigit P5 bilyong halaga ng shabu sa isang operasyon sa Va­lenzuela City, kahapon.

Ayon kay Customs Com­missioner Nicanor Faeldon, mahigit 500 kilo ng shabu na tinatayang nasa P5 bilyong halaga ang laman ng isang cylinder na nababalutan ng makapal na itim na goma.

Sinabi ni Faeldon na nagmula mismo sa Bureau of Customs ng China ang tinanggap nilang impormasyon kaugnay sa nasabing shipment na idineklarang roller ball na ginagamit sa mga prin-ting shops.

Nadiskubre ang kilu-kilong droga matapos na suriin ng mga ahente ng Customs ang limang kapsulang bakal kung saan nakasiksik ang nakaplastic na mga droga. 

Naging positibo sa pagsusuri na shabu  ang  droga na nagmula sa China at sinasabing isa ito sa mga pinakamalaking huli na ng mga awtoridad sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with