^

Metro

Tanggapan ng DTI, binulabog ng ‘bomba’

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tension sa mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) ang natagpuang kahina-hinalang plastic na sa pag-aakalang naglalaman ng pampasabog sa harapan ng gusali nito sa Makati City kahapon ng umaga.

Sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., director ng Southern Police District (SPD),  alas-10:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa tanggapan ng DTI na mayroon isang kulay itim na plastic bag ang nakaharang sa harapan ng tanggapan ng nasabing ahensya sa may kahabaan ng Gil Puyat Avenue, Brgy.  Bel-Air ng nasabing lungsod.        

Agad naman nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Makati City Police upang inspeksiyunin ang nasabing plastic bag. Gumamit muna ng K9 dog bomb expert ang mga pulis upang ipaamoy ang naturang plastic bag.

Ngunit hindi naman ito inupuan ng K9 dog. Nang buksan ay doon nadiskubreng naglalaman ito ng mga com­puter printer ink.

Matapos ang isang oras na inspection, balik na sa normal ang sitwasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with