^

Metro

3 pang dawit sa droga bulagta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo na namang uma­-no’y mga ‘‘tulak’’ ng droga ang nabaril at napatay ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na drug operations na isinagawa sa Metro Manila.

Sa Caloocan City, bulag­ta ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga nang mabaril ng isang opisyal ng Caloocan City Police sa gitna ng pakikipagbarilan gamit ang kanyang palpak na baril, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang hindi pa nakikilalang salarin na inilarawan na may taas na 4’8”, may edad na 30-35 taong gulang, nakasuot ng pulang sando at brown na short pants.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-6 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang Police Community Precinct 3 at District Public Safety Battalion sa pangu-nguna ni P/Chief Insp. Ro-nald Cayago sa presensya ng isang lalaki na armado ng baril sa Brgy. 176 Bagong Silang.

Agad na rumesponde ang mga pulis ngunit pag­sa­pit sa lugar, agad na nag­­tatakbo ang suspek na nag­resulta ng habulan kung saan pinagbabaril pa nito ang mga humahabol sa kanyang pulis. Gumanti naman ang mga awtoridad na ikinasawi ng suspect.   

Patay din ang 34-anyos na si Reynaldo Javier Jr., miyembro ng Sputnik at pinaniniwalaang ‘‘tulak’’ din ng droga at residente ng   Sta. Ana, Maynila.

Arestado naman ang  mga pinaniniwalaang ka-sab­wat nito na sina Elaine Sevillana,18 at si Zenaida Javier, alyas Nida, 57. Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang buy-bust operation sa bahay ng suspek.

Sa gitna nang abutan ay nakatunog ang suspect na pulis ang kanyang katransaksyon na agad nitong tinutukan at tinagkang paputukan, gayunman mabilis naman siyang naunahan ng pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Sa Pasig City naman,  bi­naril at napatay ng mga pulis ang isang lalaking hinihinalang ‘‘tulak’’ din ng ilegal na droga, nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy.  Pinagbuhatan, kahapon   ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Medical Center ang suspek na si Randy Abarca, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril   sa katawan.

Ayon kay SPO1 Rus­thom Valdez, ng Pasig City Police, dakong ala-1:30 ng mada-ling araw nang salakayin ng mga  pulis ang tahanan ng suspek sa Mulawin St., kanto ng Greenwoods Avenue, sa Brgy. Pinagbuhatan.

Nabatid na bumili ang  poseur-buyer na si PO1 Joeffrey Castillo  ng tatlong plastic sachet ng shabu mula sa suspek, sa halagang P300.

Nakahalata naman ang suspek na pulis ang kanyang kostumer, sanhi upang magbunot ito ng baril at binaril sa katawan si  PO1 Castillo, na maswerteng nakasuot naman ng bullet proof vest.

Nakaramdam ng panga­nib, hindi naman nag­da­lawang-isip pa si Castillo at gumanti ng putok sa sus­pek, na nagresulta sa kamata­yan nito.

Bukod sa nabiling shabu, nakarekober pa ng limang plastic sachet ng shabu ang mga pulis mula sa suspek, gayundin ng isang .38 revolver na baril, na may tatlong bala, at P300 marked money. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with