^

Metro

5 drug suspects, 2 wanted timbog ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
5 drug suspects, 2 wanted timbog ng QCPD

Ang mga nadakip sa isinagawang anti-criminality ope­ration ng mga tauhan ng Quezon City Police at ang mga nakumpiskang ilegal na droga at drug paraphernalia. (Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines - Muli na namang naka­pun­tos ang hanay ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa mga kriminal na nagkalat sa lungsod maka­raang maaresto ang limang drug suspect at dalawang most wanted sa pagpapatuloy ng anti-criminality operations sa buong magdamag.

Base sa ulat kay QCPD Director, P/Chief Supt. Gui­­ller-mo T. Eleazar, ang mga suspek ay naki­lalang sina Donato Lim, 49, Zaldy Tejero, 36, Mark Magbanwa, 39, at Charlie Daz, 39 pawang mga  residente ng  Brgy. Bahay Toro; Henry Magno, 22; Marwin Masdo, 19 at Dennis Manlangit, 40.

Ayon kay Eleazar, ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU); Anonas Police Station (PS-9); Novaliches Police Station (PS-4) ; at Batasan Police Station (PS-6).

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ang 55 pira­so ng sachets ng shabu na tinatayang may street value na P80,000.00, timbangan, drug paraphernalia at buy-bust money.

Sa bisa naman ng warrant of arrest sa kasong rape ng arestuhin ng tropa ng PS-4 si Masdo sa may kahabaan ng  Ibong Pilak St., Sitio Arguargente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, dakong alas-2:45 ng hapon.

Habang ang suspek naman na si Manlangit ay nadakip ng mga operatiba ng PS-6 sa may Loyola Heights, Varsity Hills, Brgy. Pansol, dakong alas-11:35 ng mada­ling araw sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A. 9262 (Anti-violence against Women and their Children Act of 2004). 

Sa kasalukuyan, ang mga drug suspects ay ipinagharap na sa paglabag sa kasong R.A. 9165 o ang Com­pre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa korte. Habang ipababatid naman sa courts of  origin ang mga nadakip na wanted persons.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with