^

Metro

Chinese national, timbog sa ‘mail order brides’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naisalba ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang  pitong ‘bride to be’  na iniaalok sa mga nais makapag-asawa sa pama­magitan ng mail order bride, nang salakayin ang isang apartment  kung saan sila itinatago, habang arestado naman ang mismong human trafficking operator na Chinese national, sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Nagsanib pwersa ang Manila Police District-Station 1 at ang District Police Intelligence  Operations Unit, Women and Children Protection Unit at District Special Operations Unit sa pagtugon sa reklamong inihain ng tatlong mga dalagang biktima na pawang mga taga-probinsya.

Ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay Jr, ng DSOU,  dakong alas-2:00 ng hapon noong Martes nang salakayin ang isang apartment type buil­ding sa E. Rodriguez Avenue at isa sa unit ay nakuha nila ang apat pang kababaihan na kabilang sa biktima na iniaalok sa mga Chinese grooms.

Naaresto sa operasyon ang suspek na si Steven Lee. 50, at naisalba naman ang mga biktimang nasa 18 hanggang 25-anyos.

Narekober mula sa nasa­bing unit ang nasa 20 passports  na may pangalan ng mga babaeng nagmula sa iba’t-ibang lalawigan na sinasabing hinihintay na lamang matatakan ng Chinese visa.

Itinanggi pa ng suspek na iligal ang kaniyang negosyo dahil normal lamang daw ang kaniyang pagtanggap ng kliyente para sa pagproseso ng mga nais makapag-asawa ng Pinay.

Gayunman, ayon sa reklamo, sa una ay akala nilang makapag-aasawa ng dayuhan subalit pagdating umano sa China ay ginagawa silang alila na nag-aasikaso sa bukid.

Nabatid kay Ibay na taong 2004 pa nag-ooperate ng nasabing business si Lee.

May mga galamay o ahente umano si Lee na nagtutungo sa  mga probinsiya  para mag-recruit at target sa operasyon mula sa mga mahihirap na pamilyang may mga anak na gustong ipakasal sa Chinese  kapalit ng mala­king pera. Ibinunyag ng mga complainant na noong sila ay tumakas sa dormitory, nasa siyam na kababaihan pa ang naiwan at pinaniniwalaang nakaalis na patungong China ang 5 kaya 4 na lamang ang nadatnan sa pagsalakay.

Nakaugnayan umano ng mga complainant ang mga kaibigang naipakasal sa mail order brides at ang mga iyon umano ay nakararanas ng  paghihirap, pagmamaltrato bilang asawa, ginagawang magsasaka sa bukid at hindi man lamang nabibigyan ng pera para ipadala sa kaanak sa Pilipinas.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act at RA 6955 o Anti Mail-Order Bride Law ang inihain laban sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with