^

Metro

2 traffic enforcer sinagasaan ng sinitang tricycle driver

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang dalawang traffic officer ng Navotas City Traffic­ Management Office (CTPMO) makaraang bundulin ng isang tricycle driver habang tumatakas matapos na sitahin siya sa ka­walan ng sticker ng kanyang pina­pasada, kamakalawa ng hapon.

Nadakip at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in double physical injuries ang suspek na si Samad Ampoan, tubong Marawi, 27, at naninirahan sa Arlegue, Quiapo, Maynila. Agad namang nalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nabundol na sina Traffic Enforcer na sina Ramil Arizala at Rhodora Romero, kapwa ng CTPMO.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:45 ng hapon nang unang­ sitahin ni Arizala si Ampoan dahil sa walang sticker ang kanyang minamanehong tricycle sa may intersection sa C4 Road Brgy. Bagumbayan North, ng nabanggit na lungsod. Inu­tusan ng enforcer ang suspek na itabi ang kanyang tricycle ngu­nit pinaharurot pa ito at mabundol sa balikat si Arizala.

Agad namang nakapagradyo si Arizala kaya tinangka namang­ harangin ni Romero ang tricycle sa may C4 Bus Terminal. Muli, binundol ng suspek ang traffic officer na si Romero habang nakasakay pa siya sa kanyang motorsiklo dahilan ng pinsala sa katawan.

Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa madakip ng iba pang traffic enforcer ang suspek sa may 5th Avenue sa Caloocan City. Biniberepika na ng mga awtoridad ang papeles ng natu­rang tricycle upang mabatid kung karnap ito.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with