^

Metro

P100-M shabu narekober ng NBI sa abandonadong kotse

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investi­ga­tion (NBI) ang tinatayang P100 milyon halaga ng shabu sa isang abandonadong kotse sa parking lot ng isang mall, kama­kalawa ng gabi sa Bacoor, Ca­vite.

 Sa inisyal na ulat  ng NBI  tinatayang aabot sa 21 kilograms ng shabu  ang nakuha sa compartment ng isang lumang kulay puti na abadonadong sasakyan na iniwan sa parking lot ng isang mall dakong alas-11 ng gabi.

Nakalagay umano ang shabu na nakabalot sa 21 plastic sa da­lawang sports bag na nakita  sa compartment ng kotse.

Kaugnay nito, nakuha na­man­ ang susi ng kotse sa tabi ng isang gulong. Hinintay pa umano ng surveillance team ng NBI kung sino ang kukuha ng kotse pero hindi na ito lumutang kaya binuksan na ito ng NBI.

Hinala ng NBI na nakatunog ang ‘recipient’ ng droga na may mga ahente ng NBI na nakatutok sa kanila.

Patuloy naman inaalam ng NBI sa Land Transportation Office (LTO)kung kanino naka­rehistro ang inabandonang sa­­­­sakyan. Nalaman na isang impormante ng NBI ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa magaganap na abutan ng droga sa nabanggit na parking lot ng mall.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with