^

Metro

Implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act, sinuspinde ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pansamantalang sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) na nagbabawal sa mga motorista sa paggamit ng mobile devices at electronic gadgets, habang nagmamaneho.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOTr, wala pang eksaktong petsa kung kailan sisimulang muli na ipatupad ang bagong batas.

Sa ngayon aniya ay magsasagawa na lamang muna ng infor­mation campaign ang DOTr upang higit na malinawan ang mga motorista sa mga probisyon ng ADDA.

Ang aksyon ng DOTr ay kasunod ng panawagan ng ilang senador, transport groups at mga pribadong motorista, na pan­samantalang suspindihin ang batas, dahil sa nakalilitong implementing rules and regulations (IRR) nito.

 Ilan sa mga kinukwestiyong probisyon ng batas ay ang pagba-ban ng mga rosaryo, pigurin at iba pang accessories sa dashboards ng sasakyan, gayundin ang paggamit ng mga navigational apps tulad ng Waze, na maaaring makasagabal sa paningin ng driver nito.

 Sa ilalim ng ADDA, ang sinumang lalabag sa bagong batas ay papatawan ng multang P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag, at P15,000 sa ikatlong pag­labag, na may kasama pang tatlong buwang suspensiyon ng lisensya.

 Sa ikaapat na paglabag naman ay maaari nang bawiin ang lisensya ng driver at pagmumultahin pa ng P20,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with