^

Metro

4 ‘Ninja cops’ timbog, 7 pa tugis

Pilipino Star Ngayon
4 �Ninja cops� timbog, 7 pa tugis

Dumukot, nangotong sa ginang

MANILA, Philippines -  Naaresto ng mga awtoridad ang apat na binansagang ‘Ninja cops’ na sangkot sa kidnapping with ransom sa isinagawang entrapment operation na nagresulta rin sa pagkakaligtas sa biktima sa Malabon City nitong Lunes ng gabi, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) Commander P/Sr. Supt. Chi­quito Malayo ang mga nasakoteng suspect na sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereño at PO1 Francis Camua; pawang ka­sapi ng Malabon City Police Drug Enforcement Unit (DEU).

Kasalukuyan namang pinag­hahanap ang pitong iba pa ka­­­bilang ang ilang tauhan ng Civil Security Group at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na determinado ang kanilang hanay na kalusin ang mga scalawags na nagsi­silbing batik sa organisasyon.

Bandang alas-8 ng gabi nang magsagawa ng entrapment­ ope­­ration ang pinagsanib na ele­mento ng PNP-CITF, Anti-Kidnapping Group at Highway Patrol Group at Malabon City Police sa mga suspect sa nasabing lungsod­  at kasunod nito ay nasagip ang kanilang biniktimang ginang.

Ayon kay  Malayo ang ope­rasyon ay base sa reklamo ng pamilya ng isang alyas Norma na puwersahan umanong tina­ngay ng sampung mga armadong suspect sa Quezon City nitong Mayo 20, 2017 dakong alas-8 ng gabi matapos itong bumisita sa  kaniyang boyfriend sa medium security compound sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City kung saan puwersahang kinuha ng nasabing mga Ninja cops ang kanilang mga personal na kagamitan kabilang ang kanilang behikulong Starex.

 Ang insidente ay inireport sa mga awtoridad nina Jesus­ Sala at Gladys Bataycan hing­gil­ sa pagdukot sa kanilang ka­mag-anak na si Norma, 53  dakong ala-1:40 ng hapon sa Brgy. Ve­teran Village noong Mayo 21.

Samantalang bago ito ay kinuha rin ng mga suspect ang Starex van at iba pang mahaha­lagang kagamitan ng biktima sa tahanan nito sa Muñoz, Quezon City dakong alas-8 ng gabi noong Sabado.

Ang biktima ay dinala ng mga suspect at ipiniit sa tanggapan ng DEU sa Malabon City Police kung saan kinuha ang mga alahas at gadgets nito ka­bilang ang Iphone 7 at Laptop, P6,000 at unang humingi ng P5 milyong ransom kapalit ng kaniyang kalayaan.

Samantalang tinatawagan rin ng mga suspect ang isang alyas Raymond, isang detainee sa Medium Security Prison sa Mun­tinlupa City na boyfriend ni Norma  na may kasong carnapping na hinihingan naman ng P2-M kapalit ng pagpapalaya kay Norma matapos na ma­ibaba sa nasabing halaga ang ransom.

 Nabatid na inutusan rin ng mga ito ang biktima na maki­pag­transaksyon sa kanilang kon­tak na Chinese drug lord para sa isang kilo ng shabu na kinuha sa isang hotel sa Novaliches, Quezon City.

Sa kabila umano na nakuha na ang isang kilo ng shabu ay hindi pa rin pinalaya ng mga ‘Ninja cops’ si Norma na humi­hingi ng karagdagan pang P1-M kung saan ang payoff ay itinakda sa Malabon City Square Mall pero naudlot kung saan kinasuhan ang biktima at ginamit ang nasabing shabu bilang ebidensya umano.

Samantalang, ang nasabing­ mga ‘Ninja cops’ ay sinibak na sa puwesto ni Northern Police District Director P/Chief Supt. Roberto Fajardo at maging ang lahat ng DEU personnel  na isinasailalim sa imbestigasyon kaugnay ng kasong administratibo at kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with