^

Metro

Lim bagong MMDA Chairman: Orbos bumaba na bilang OIC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba na sa pwesto bilang officer-in-charge (OIC) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Tim Orbos matapos i-anun­siyo ng Malacañang na si Ret. Brigadier General Danilo Lim ang itinalagang bagong chairman ng natu-rang ahensiya.

Gayunman, mananatiling general manager ng MMDA si Orbos.

Tiwala ang ilang opis-yal ng MMDA, na si Lim ay may kakayahang mamuno at ma­i­patutupad ang mga programa ng ahensiya partikular na may kinalaman sa daloy ng trapiko sa Kalak­hang Maynila.

Sinabi ni Orbos, na mas may karanasan aniyang magpatakbo ng isang ahensiya si Lim.

 Matatandaan na si Lim ay naging Bureau Of Customs (BOC) deputy commissioner sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benig­no Aquino III, mula Setyembre 2011 hanggang Hulyo, 2013. Sa kasalukuyan, si Lim ang isa sa mga dating high-ranking military official na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang administrasyon.

Nabatid na si Lim ay tu­mak­bong senador, noong 2010 national elections sa ilalim ng Liberal Party (LP), subalit natalo ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with