^

Metro

Kelot niresbakan, malubha sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ngayon ng isang binata makara­ang saksakin ng isang lalaki dahil lamang sa dating alitan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nakaratay ngayon sa FEU Hospital ay kinilalang si Roberto Balero y Conge, 31, binata ng 341 St. Michael St., Area 6B, Republic Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

Pinaghahanap naman ng otoridad ang suspek na nakila­lang si Elmer Ulo, residente ng Bicol St., Republic Ave. ng naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Terixon Galuno, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Sto. Rosario St., Creek, corner, Republic Ave. ng nasabing barangay, dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Bago ito, dumalo umano ang biktima sa isang lamay sa na­sabing lugar at habang nakatayo ang biktima at nano­nood sa mga nagsusugal ng cara y cruz ay biglang dumating ang suspek at kinompronta ang biktima kaugnay sa dati nilang alitan.

Ang komprontasyon ay nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tarakan sa likod ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay agad namang isinugod ng barangay sa naturang ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with