PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Tulak’ bulagta sa parak

MANILA, Philippines -  Isa na namang itinutu-rong tulak ng iligal na droga ang hindi nagpahuli nang buhay makaraang makipagbarilan  sa mga umaarestong pulis, Huwebes ng hapon sa Caloocan City.

Inisyal na nakilala ang napaslang sa alyas na Renier Legazpi, ng  Brgy. 188 Tala, ng naturang lungsod. Naaresto naman sa naturang operasyon ang dalawa pang sus-pek na sina Ayvelyn Quineonez at isang alyas Majid.

Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, dakong alas-3 ng hapon nang may dumating na concerned citizen sa opisina ng Station Drug Enforcement Unit at nagbigay ng impormasyon ukol sa lantarang pagbebenta ng iligal na droga ng suspek ng naturang oras.

Agad na bumuo ng grupo ang mga pulis at nagsagawa ng operasyon sa nabanggit na lugar. Nang makita ang mga awtoridad, pumasok sa loob ng kanyang bahay ang suspek at pinagbabaril umano ang mga paparating na mga parak.

Dito nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng pulis at suspek hanggang sa tamaan ang huli na naging dahilan ng kanyang pagkakapaslang. Nang pasukin ang bahay, naabutan dito             sina Quineonez at alyas Majid dahilan para dakpin sila ng mga pulis.

 Narekober ng mga otoridad ang isang kalibre .38 baril, mga piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, timba-ngan at mga drug paraphernalia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: